Manloloko, babaero, iyan ang typical na impression sa mga seaman o navy, basta iyong mga ginugugol ang 80.99% ng kanilang buhay sa dagat o laot. Simple lang naman kasi ang logic, eh. Ikaw ba naman ang maglagi sa dagat without indulging yourselves in your animalistic ek-ek? Eh, meron ka namang anda kasi nga antaas ng bayad sa inyo so gora na lang, bumili ka na lang ng panandaliang aliw o kung bet mo naman, ikalat mo ang harem mo (at lahi mo, kaloka!) sa iba't-ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng pagbabahay ng mga exotic girls all over.
Echos lang! Hahaha.
Nachika ko lang ang mga seaman kasi ewan ko ba, sa nakaraang araw na pagchichikahan namin ng mga baklita about boys, stalking sightseeing, getting married, settling (o, davah! ang intense ng mga baklita!) eh kung anik anik na ideya ang pumapasok sa isipan ko. Tulad na lamang kanina. Pumasok bigla sa isipan ko na parang gusto ko na magkaasawa ng isang seaman. True! Ewan, hindi ko alam kung saan nanggaling ang ideyang iyon. Nakakalurkey!
Yun lang.
PS: Huwag umasang may sense ang mga chochorbahin ng baklita.
-
margarida

No comments:
Post a Comment