Wednesday, January 15, 2014

FACEBOOK SIGHTSEEING


Facebook Stalker
Credits: Techdrink.com


Isa sa mga kinahiligan ko nung bago pa lang akong user ng Facebook ay ang pagsubaybay sa mga account ng mga mortal na alam mo na (!).  As in extend lang ng extend sa internet cafe dahil madaming mga larawang kupas si crushness o si da-who na nakita ko lang somewhere [pero dahil sa yummyness overload e nag-effort akong isearch siya sa mundo ng Facebook] na dapat ay titigan muna ng maigi bago matulog o simulan ang araw. That was first year college. Magsisixteen ang baklita, the hot age.

Lumipas ang isang taon at nagmature ng kaunti ang baklita. Keme muna sa mga hombre na iyan. Nandiyan lang iyan sa internet, saka download na lang para pagsawaan (!) ng mata. Tularan ko naman sina Kendi at Karylle na subsob sa kani-kanilang mga pag-aaral.

Iyon lang, recently sa reunion ng mga baklita, naloka ako. Updated si Karylle sa buhay nung lalaking pinagnasaan ko noong high school! Amasabe! Kaya eto, balik sa dating gawi. 



"Sightseeing: The act or pastime of visiting sights of interest.-The Free Dictionary"


Yun na!

PS: Huwag umasang may sense ang mga chochorbahin ng baklita. 

-
margarida

No comments:

Post a Comment