Wednesday, January 15, 2014

KASI BAKLA AKO


Sembreak noon.

Nagchichikahan kami ni mudrakels.

Ang hanash ko kay mudra, "Ewan, parang gusto ko  ng magsuicide o huminto sa pag-aaral. Ang hirap mag-aral!"

Naglecture siya tungkol sa mga guest speakers ng in-attendan niyang mga graduation. "Si ganito, ganyan.... chuve ek-ek, nagsimula din sila sa mahirap pero tingnan mo ngayon,  nagmamay-ari na ng private school, doktor, etc."

Ang hanash ko kay mudra, "Kasi mga lalaki at babae sila. Eh ako, bakla."

"Lalaki ka din naman, eh."

Madir! Sinabi na ngang bakla ako, eh. Kaloka! Naibahagi ko lang.

Pero, disclaimer lang , ha, echos ko lang iyong "Eh, ako, bakla." statement. Hindi ko nga alam kung saang parte ng utak ko iyon nanggaling o kung bakit iyon ang nasabi ko. 

Yun na.

PS: Huwag umasang may sense ang mga chochorbahin ng baklita.

-
margarida





No comments:

Post a Comment